Sa laban kagabi sa Smart Araneta Coliseum, tie na ang dalawang koponan sa iskor na 2-2.
Matapos ang halos pagtambak ng Beermen sa Gin Kings noong Game 3 ay bumawi ang Ginebra sa pangunguna ng 30 anyos ni Justin Brownlee.
Nagtala ang manlalaro ng 37 points, 11 rebounds, seven assists, two steals at three blocks.
Itinanghal si Brownlee bilang “Best Import” habang si June Mar Fajardo ang “Best Player of the Conference” sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.
Ang 30-anyos na American basketball player ay may kabuuang 1,209 points mula sa statistics at boto ng media, mga manlalaro at Commissioner’s office.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Brownlee na makuha ang Best Import Award.
Pumangalawa naman sa statistics at boto si Renaldo Balkman ng San Miguel Beermen
Gayunman, nakakuha lamang si Balkman ng 858 points, na bahagyang malayo sa puntos na nakamit ni Brownlee.
Samantala, ikalawang beses nang nasungkit ng San Mig big man na si Fajardo ang Best Player of the Conference award.
Nakakuha siya ng 1,153 points, mula sa pinagsamang statistics, at media, player at PBA commissioner’s office votes.