Sa post kasi sa social media ni Inday Sara, hindi nito naitago ang pagiging “Sharonian.”
Kwento niya, ang kanyang kauna-unahang casette tape ay isang Sharon Cuneta album.
Nagmakaawa pa raw siya sa kanyang tatay na si noo’y Mayor Digong Duterte na kung maaari ay magkita sila ni Sharon kapag bumisita ang aktres sa Davao City.
Ayon sa mayora, 22 years old noon si Sharon na napakabuti aniya sa kanya, kaya naman na-starstruck ang noo’y 10-anyos na Inday Sara.
At makalipas ng maraming taon, sinabi ni Mayor Sara na hindi raw nagbago si Sharon at nangakong palaging welcome ang megastar sa Davao City.
Sa hiwalay na post ni Sharon, sinabi niya na mula nang makilala niya ang presidential daughter ay hinangaan na niya ito hanggang sa maging matalik na silang magkaibigan.
Si Mayor Sara ay naghost ng isang dinner para kay Sharon noong Huwebes, kung saan imbitado ang iba pang tagahanga ng award-winning actress.