Sa kanyang speech sa Bukidnon para sa inagurassyon ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center, babanggitin umano niya sa command conference sa August 7 ang ideya ng pagpapadala ng warships.
Ayon kay Duterte, hindi siya nagbibiro dahil handa umano siyang magpadala ng “frigate” o iba’t ibang uri ng warships kapag nasaktan ang mga biyag na Pinoy.
Nauna nang nagpadala ang South Korea ng barko nila sa Libya, upang masaklolohan ang isang kababayan nila na binihag din kasama ang tatlong Pilipino.
Nauna nang tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA sa mga kaanak ng tatlong nakidnap na Filipino engineers na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang masiguro ang kaligtasan at kalayaan ng mga ito.