Menorca, sinabing may iba pang nakaditene sa INC compound

 

Inquirer file photo

Ibinungyag ng pinatalsik na ministro ng Iglesia ni Cristo na si Lowell Menorca na hindi lang siya at kaniyang pamilya ang na-ditine sa loob ng INC compound sa Quezon City.

Sa press conference kahapon, nilantad ni Menorca ang katotohanan umano na siya ay talagang kinidnap, tinorture at ininterrogate, tapos ay iligal na pinigil sa INC compound kasama ang kaniyang pamilya sa loob ng tatlong buwan.

Aniya, mayroon pang ibang tulad niya na ikinulong sa compound ngunit hindi pa niya maaaring ilantad kung sinu-sino ang mga ito, pero nangangailangan sila ng tulong.

Dito rin niya nilinaw na hindi siya si Antonio Ebangelista na naglabas ng mga detalyadong anomalya sa INC sa pamamagitan ng isang blog, ngunit sinabi niya na tulad ni Ebangelista ay nais niyang linisin sa anomalya ang Iglesia.

Kasabay ng kaniyang mga ibinunyag, iginiit niya na scripted lang umano ang mga sinabi niya sa interview noon na hindi siya kinidnap at nagawa lamang niya kapalit ng kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Bukod dito, aniya pinapirma silang dalawa ng kaniyang asawang si Jinky ng non-disclosure at waiver documents na naglalayong patahimikin sila.

Pagkatapos ng naganap na pirmahan ay inilipat sila sa isang safe house sa Fairview kung saan sila ay sinaklolohan ng kanilang abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles nitong buwan lamang.

Ayon kay Angeles, magsasampa sila ng maraming kaso laban sa pamunuan ng INC, kabilang na dito ay ang illegal detention at grave coercion.

Read more...