‘Scare text’ dedmahin – PNP

 

INQUIRER FILE

Binalaan ng Philippine National Police o PNP ang publiko ukol sa mga kumakalat na text messages na layong lumikha ng walang basehan pangamba sa mga mamamayan.

Ayon kay PNP spokesman, Sr. Supt. Benigno Durana, hindi lamang sa pamamagitan ng text ipinapakalat ang scare messages kundi maging sa email at social media.

Nagsimulang ipakalat ang mga mensahe matapos ang mga insidente ng pagsabog sa Basilan, Masbate at Rizal.

Iginiit ng opisyal na walang partikular na pagbabanta at wala rin aniyang koneksyon sa isa’t isa ang mga naganap na pagsabog sa tatlong lalawigan.

Sa scare text, sinabi na ang pagsabog sa Basilan ay simula lamang ng mas malaking pag-atake.

Paniwala ni Durana, panggugulo at paglikha ng takot ang motibo ng nagpakalat ng mensahe.

 

Read more...