Libya trip nina Bello at Roque, kanselado

Kinansela nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang kanilang biyahe patungong Libya.

Ngayong Biyernes sana ang lipad ng dalawang opisyal papuntang Libya, bilang parte ng pagsisikap ng gobyerno na mapalaya ang tatlong Pilipino na dinukot sa nasabing bansa.

Sa katunayan, ani Roque, handa na sila ni Bello para sa kanilang biyahe pero dahil sa ilang security considerations ay napasya ang DOLE Secretary na i-postpone na lamang ang pagtungo sa Libya.

Nauna nang napaulat ang pagdukot ng mga armadong kalalakihan sa mga Filipino engineer at isang South Korean sa isang water project site sa western Libya noong Hulyo.

May lumabas ding video kung saan mapapanuod na nagmamakaawang humihingi ng tulong ang mga Pinoy.

Tiniyak naman ni Roque na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat upang masagip ang mga nadukot nating kababayan.

 

Read more...