Jeane Napoles, nakalabas na ng Pilipinas

 

Nakalabas na ng Pilipinas ang isa sa anak ng tinaguriang Pork Barrel scam Queen Janet Lim Napoles.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, batay sa impormasyong nakuha niya mula sa Bureau of Immigration ay wala na raw sa bansa si Jeane Catherine Napoles.

Sinabi ni Guevarra na noong July 27 pa raw nakaalis na Pinas ang dalagang anak ni JLN.

Gayunman, ani Guevarra, wala nang iba pang detalye na ibinigay sa kanya ang B.I. gaya ng destinasyon o bansang pinuntahan ng batang Napoles.

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng U.S. Department of Justice na hihilingin nila ang extradition ni Napoles, kanyang mga anak na sina Jeane, Jo Christine at James Christopher, at kapatid na si Reynald Luy Lima at misis niya dahil sa conspirancy umano para sa domestic at international money laundering kaugnay sa salaping pinaniniwalaang galing sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga mambabatas.

Si Jeane ay nauna nang naabswelto ng Court of Tax Appeals ng bansa sa kanyang P17 million tax evasion case.

Si JLN naman ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig dahil sa kinakaharap ng mga kaso ukol sa Pork Barrel scandal.

Naging kontrobersyal si Jeane dahil sa mga post nito sa social media noon na nagpapakita ng kanyang maluhong pamumuhay, tulad ng pagkakaroon ng mamahaling mga gamit at sasakyan, at birthday party na engrande.

 

Read more...