Public interview para sa susunod na SC Chief Justice, sa August 16, 2018 na – JBC

 

Inanunsyo na ng Judicial and Bar Council o JBC ang petsa ng public panel interview sa mga nominado sa posisyong Chief Justice ng Korte Suprema.

Sa advisory ng JBC, gagawin ang interbyu sa August 16, 2018 (araw ng Huwebes) sa Division Hearing Room ng Supreme Court Main Building sa Padre Faura St, sa lungsod ng Maynila.

Mula alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, sasalang sina Associate Justices Lucas Bersamin, Teresita Leonardo-De Castro at Diosdado Peralta.

Mula naman alas-dos ng hapon hanggang alas-singko ng hapon, sasalang sina Associate Justice Andres Reyes at Tagum City, Davao del Norte Regional Trial Court Executive Judge Virginia Tejano Ang.

Ang mga nabanggit na nominado ay magtatagisan para sa iniwang pwesto ng napatalsik na chief justice na si Maria Lourdes Sereno.

Samantala, inanunsyo na rin ng JBC ang “opening for application or recommendation”o pagbubukas ng pagtanggap ng aplikasyon para sa posisyong Supreme Court Associate Justice, kapalit ni bagong Ombudsman Samuel Martires.

Ang mga aplikasyon, nominasyon o rekumendasyon para sa SC Associate Justice ay maaaring isumite hanggang 4:30 ng hapon sa September 3, 2018.

 

Read more...