Truck nahulog sa bangin sa Quezon, apat ang sugatan

Sugatan ang apat na katao makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trailer truck habang bumibiyahe sa Atimonan, Quezon.

Ayon kay Sr. Supt. Osmundo De Guzman, Quezon police director, patungong Bicol ang truck nang ito ay mahulog sabangin na may lalim na 15 talampakan.

Sinabi ni De Guzman na paliko ang lugar sa bahagi ng diversion road sa Barangay Malinao Ilaya nang mawalan ang kontrol ang driver ng truck na si Felix Duran dakong alas 6:15 ng Biyernes ng umaga.

Nasugatan si Duran at asawa niyang si Marylin Akmazan at dalawang pahinante ng truck na sina Angel de la Peña at Noel Tulog.

Agad naman silang dinala sa Doña Marta Hospital sa Atimonan.

Read more...