Retiradong pulis patay sa pananambang sa Abra

Patay makaraang tambangan ang isang retiradong pulis sa Abra.

Kinilala ang biktimang si Teodoro Abuhan na binaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng La Paz.

Ayon sa La Paz Police, naglalakad lang ang biktima na kaniyang araw-araw nang ginagawa bilang ehersisyo nang siya ay tambangan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente kabilang ang pagkakakilanlan ng suspek.

 

Read more...