Terry Butcher bilang Azkals coach, hindi na matutuloy

Hindi na matutuloy na mag-coach sa Philippine Azkals ang dating captain ng football team ng England na si Terry Butcher.

Papalitan sana ni Butcher si Thomas Dooley, ang dating captain ng US team na responsible sa pagpasok ng national football team sa 2019 AFC Asian Cup.

Sa panayam kay Butcher ng UK news agency na Press Association, kinumpirma nito na hindi na siya ang hahawak sa Azkals.

Pinost din ni Butcher sa kanyang Twitter account ang isang statement kaugnay ng pag-atras bilang coach.

Sinabi nito na bagamat pinaghandaan niya ang pagtungo sa Pilipinas at paghawak sa national team, nalulungkot umano siya dahil hindi na maisasakatuparan ang trabaho.

Sa kabila nito, hangad daw niya ang tagumpay ng Azkals.

Ilang beses na naudlot ang pagtungo sa Pilipinas ni Butcher na hahawak sana sa Azkals sa serye ng mga friendly games sa buwan ng Setyembre.

Read more...