Pitong lalawigan pa rin ang nakakaranas ng matinding tagtuyot sa kabila ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Lando nitong nakaraang linggo.
Ang naturang mga lalawigan ay kabilang sa 14 probinsya na una nang nakakaranas ng matinding tagtuyot sanhi ng kakapusan ng ulansa naturang mga lugar nitong mga nakaraang buwan.
Ayon sa PAGASA, ang mga probinsya ng Quezon, Camarines Norte, Northern Samar at Samar ay nakaranas ng animnapung porsiyentong reduction sa ulan sa loob ng tatlong buwan kumpara sa ulan na bumuhos dito ng nakaraang taon.
Samantala ang Antique at North Cotabato rin ay nakaranas ng dry spell .
Ang Laguna, Occidental Mindoro Oriental Mindoro, Romblon, Albay, Aklan at Guimaras ay nakaranas ng dry condition na idinedeklara sa isang lugar kapag mababa ang antas ng ulan na tumama dito sa loob ng dalawang buwan.
Una nang nagbabala ang Pagasa na makakaranas ang bansa ng matinding El Niño mula ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.
SA piakahuling pagtala ng Pagasa, animnapu sa walompu’t isang probinsya ang makakaranas ng El Niño.
Pitong probinsya ang makakaranas ng drought samantalang apatnapu’t tatlo naman kabilang na ang Metro Manila ang makakaranas ng dry spell.