Senadora de Lima hindi nagtagal sa Korte sa pagdinig ng kanyang disobedience to summons case

Walang limang minutong nagtagal si Senadora Leila de Lima sa Branch 34 ng Quezon City Metropolitan Trial Court kaugnay sa pagdinig ng kaso niyang disobedience to summons.

Ayon kay Atty. Raymond Baguilat, abogado ni de Lima, naghain kasi ng mosyon si Ronnie Dayan, ang dating driver bodyguard ng senadora na kanya rin nakarelasyon.

Dapat ay isasalang na sa witness stand si Dayan.

Sinabi pa ni Baguilat na wala namang epekto sa kanilang panig ang naging hakbang ni Dayan.

Paglilinaw naman ng abogado, depende pa rin sa magiging desisyon ni Judge Ludmila Pio Lim kung tetestigo pa si Dayan o hindi na.

Nag-ugat ang kaso ni de Lima sa mga reklamo nina dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Representative Reynaldo Umali ukol sa pagbabawal umano ni de Lima kay Dayan na dumalo ito sa pagdinig sa Kamara ukol sa pagsasangkot sa senadora sa illegal drug trade sa bilibid.

Read more...