Catriona Gray excited na para sa 2018 Miss Universe

Catriona Gray Instagram

Excited na si Binibining Pilipinas-Universe 2018 Catriona Gray para sa coronation night ng Miss Universe.

Bagaman sa Disyembre pa gaganapin ang pageant ay sinabi ni Catriona na sa ngayon pa lang ay naghahanda na siya para dito.

Aniya, mula sa kanyang susuoting mga damit, paglakad, public speaking, at ang pinakaimportanteng question and answer portion ay kanyang pinaghahandaan na.

Samantala, inamin ng beauty queen na malapit sa kanyang puso ang bansang Thailand dahil ilang buwan rin siyang nanirahan dito noong siya ay 20 taong gulang.

Aniya pa, masaya siyang sa Asya napiling gawin ang 2018 Miss Universe dahil espesyal ang pamamaraan ng mga Asyano sa pagsasagawa ng mga pageant.

Umaasa si Catriona na lilipad papuntang Thailand ang kanyang mga kaibigan at taga-suporta upang panoorin ang kompetisyon.

Magaganap sa Disyembre 17 sa Muang Thong Thani complex sa Nonthaburi, Thailand ang Miss Universe 2018.

Read more...