Pamamahagi ng fuel cash cards ngayong linggo, kinansela

Kanselado ang distribusyon ng Pantawid Pasada Fuel Cards ngayong linggo.

Ito ang inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw.

Ayon sa ahensya, magkakaroon ng pagbabago sa iskedyul ng pamamahagi ng cash cards, na kanilang i-aanunsyo sa mga darating na araw.

Tiyak naman na magpapatuloy ang distribusyon sa susunod na linggo, upang makuha na ng iba pang benepisyaryo ang kanilang cash cards na naglalaman ng lump sum na P5,000.

Magkikipag-ugnayan din ang LTFRB sa mga benepisyaryo o maaaring i-check sa kanilang website kung kabilang ang operator o drayber ng pampasaherong jeepney sa mga maaaring makatanggap ng cash cards.

Muli ring nilinaw ng LTFRB na ang cash cards ay balido lamang para sa pagpapa-karga ng produktong petrolyo sa participating petroleum retail outlets o gasoline stations.

I-check muna kung may nakaposteng “Pantawid Pasada Card Accepted Here” upang magamit ang fuel card.

Ang anumang paglabag, gaya ng pagbili ng ibang produkto gamit ng fuel card, ay otomatikong magpapa-walang-saysay sa benepisyong matatanggap at madidiskwalipika pa bilang card owner.

Read more...