Asec Uson aminadong malaking hamon ang pagganap bilang journalist sa isang Hollywood movie

Aminado si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na isang malaking hamon para sa kanya ang pagganap bilang isang journalist sa Hollywood movie na “Kaibigan” kasama ang aktor na si Stephen Baldwin.

Ayon kay Uson, base sa kanyang karanasan sa pagcocover kay Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Malacañan Press Corps, hindi madali ang pagiging reporter.

Pagkatapos kasi aniya ng isang interview, kinakailangan na magsulat ang mga journalist dahil sa deadline.

Ayon kay Uson, sa ngayon, wala pang script o briefing para sa kanyang role bilang journalist.

Bukod kay Uson, kasama rin sa pelikula si Special Assistant to the President Bong Go na gaganap naman na isang coach.

Read more...