P1B pondo hindi pa nagagamit ng DA

Mayroon pang mahigit P1 bilyong pondo na hindi nagagamit ang Department of Agriculture (DA).

Sa budget hearing ng Kamara, sinabi ni Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera-Dy, na mayroon pang P1.6B pondo ang DA na tinatawag na off-budget
accounts na hindi nakatakda sa ilalim ng taunang budget.

Paliwanag ng mambabatas, binubuo ng revolving funds ng mga proyekto at programa ng iba’t-ibang ahensya sa ilalim ng DA.

Sinabi nito na noong nakalipas na taon tinanong na niya si Agriculture Secretary Manny Piñol at sinabing P944M lamang balanse ng off-budget accounts ng kagawaran.

Nangako din aniya ito na pag-aaralan pero kanina sorry lamang ang naisagot ng kalihim at sinabing hindi pa niya ito napag-aaralan.

Read more...