Naghain si Senate President Tito Sotto ng panukalang batas sa second package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Layon ng Senate Bill No. 1906 na inihain ni Sotto na bawasan ang corporate income tax sa 25% mula sa kasalukuyang 30%.
Pinalawig din sa TRAIN 2 Bill ang tax base sa pamamagitan ng pag-repeal sa 123 special laws sa investment tax incentives.
Pero sinabi ni Sotto na hindi tatanggalin kundi ira-rationalize lamang ang umiiral na investment tax incentives.
Sa nakalipas na tatlong dekada aniya ay 654 na kumpanya ang nakikinabang sa insentibo sa buwis.
Paliwanag ng senador, panahon na para magkaroon ng tax incentives na performance-based, transparent at time-bound para matiyak na may pakinabang ang mga Pilipino sa bawat pisong ibinibigay ng gobyerno sa mga kumpanyang may tax incentives.