Filipino Sign Language Act, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 7503 o ang panukalang batas na layong ideklara ang Filipino Sign Language (FSL) bilang national sign language ng mga Filipino deaf.

Layon ng panukalang batas na gawing mandato ang paggamit ng FSL sa mga paaralan, broadcast media at maging sa mga trabaho na may mga Filipino deaf.

Sa ilalim din ng batas ay kailangang FSL ang gamiting official sign language ng gobyerno sa mga transaksyon sa mga may Pinoy na may problema sa pandinig.

Ituturo ang FSL bilang isang asignatura sa curriculum ng mga deaf learners.

Ang pagbasa at pagsulat sa Filipino bilang pambansang wika, Ingles at iba pang wikang pambansa ay ituturo rin sa mga deaf students ayon sa Mababang Kapulungan.

Kailangan din ng FSL interpreter sa mga news and public affairs programs sa ilalim ng batas.

Sa mga korte naman ay kailangan ding may kwalipikadong sign language interpreters sa mga pagdinig na may deaf.

Maging sa mga pampublikong ospital at health facilitis ay kailangang masigurong may access sa mga serbisyo ang Filipino deaf kabilang ang paglaaan ng FSL interpreters sakaling irequest ng mga pasyenteng deaf o pamilya na may mga deaf members.

Read more...