Hita ng isang tao, nadiskubre sa likod ng building ng BIR sa Quezon City

Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang natagpuang parte ng katawan ng tao sa kahabaan ng NIA Road, Huwebes ng hapon.

Ayon sa pulisya, inakala ng dalawang basurero na baboy ang kanilang nakita subalit napag-alamang sa tao pala ang hitang nakita.

Blangko pa ang mga pulis kung kaninong hita ang narekober, at kung saan nanggaling ito.

Hindi pa rin nadedetermina ang kasarian ng taong may-ari ang hita.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang QCPD sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil naitapon ang bahagi ng katawan sa likuran lamang ng gusali ng BIR.

Aalamin din nila kung nahagip ng CCTV ang lugar kung saan itinapon ang putol na hita.

Read more...