118 posisyon sa hudikatura mababakante

Nasa 118 na posisyon sa Hudikatura ang mababakante dahil sa inaasahang pagreretiro ng mga hukom sa iba’t ibang korte sa bansa.

Ayon sa Judicial and Bar Council (JBC), sa nasabing bilang, tatlo ay mula sa Court of Appeals (CA) at tig-isa sa Sandiganbayan at Korte Suprema.

Hindi pa kasama dito ang iiwanang posisyon ni Supreme Court Associate Justice Samuel Martires na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na Ombudsman.

Kabilang din sa inaasahang mababakante ang mga posisyon sa mga regional at municipal trial court sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, at CALABARZON.

Kaugnay nito, sinabi ng JBC na umaabot na 3,436 na mga aplikante ang handa nang punan ang mga bakanteng posisyon.

499 sa mga aplikante ay nabatid na nagawan na ng nominasyon kung saan pipili si Pangulong Duterte.

Read more...