Pangulong Duterte nakipagkita kay American actor Stephen Baldwin

Pansamantalang nagpahinga si Pangulong Rodrigo Duterte sa pulitika dahil sa courtesy call ni American actor Stephen Baldwin.

Ito ay nang magbigay ng pahayag ang pangulo ukol sa engagement ng anak ni Baldwin kay pop superstar Justin Bieber.

Kwento ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, sinimulan umano ni Baldwin ang kanyang pakikipag-usap sa pangulo sa pagtatanong kung ano ang masasabi nito sa engagement ng kanyang anak na si Hailey kay Bieber.

Ang sagot aniya ni Pangulong Duterte ay basta naniniwala si Bieber sa kasagraduhan ng kasal ay hindi dapat mag-alala si Baldwin.

Taong 2016 nang magsimulang mag-date sina Justin at Hailey pero naghiwalay sila.

Noong nakaraang buwan ay nakitang magkasama ang dalawa at nabalita na naging engaged sila sa kanilang Bahamas trip.

Nasa Pilipinas si Baldwin para sa shooting ng pelikulang “Kaibigan” kung saan may papel sina SAP Go at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Read more...