Dayalogo para sa pagresolba sa gulo sa NutriAsia, magsisimula na mamaya

Mamayang alas-9 ng umaga na magaganap ang pagsisimula ng dayalogo upang maresolba ang gulo sa pagitan ng NutriAsia at ng mga nagpoprotestang manggagawa.

Ayon kay Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, inatasan niya na ang National Conciliation Meditation Board (NCMB) at ang DOLE Central Luzon na mamagitan sa isyu.

Ayon kay Sec. Bello magaganap mamayang umaga sa NCMB office ang conciliation process.

“I instructed our NCMB and our regional director, director Zenaida Angara-Campita to expedite the conciliation. They scheduled it on Monday but I instructed them to pursue the talks. The conciliation process is tomorrow (Friday), 9 a.m. at the NCMB office,” ani Bello.

Samantala, iginiit naman ng kalihim na handa silang sumagot sa inquiry ng Senado tungkol sa isyu.

Matatandaang nais ni Senator Joel Villanueva ng inquiry para rito.

Noong Lunes ay nauwi sa marahas na dispersal ang protesta ng 300 na mga manggagawa ng NutriAsia at kanilang mga taga-suporta na umani ng batikos sa iba’t ibang sektor.

Read more...