Kampo ni VP Robredo nais ng imbestigasyon sa marahas na dispersal sa NutriAsia workers

Courtesy of Anakbayan

Nanawagan ng malalimang imbestigasyon ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa marahas na dispersal sa mga manggagawa ng NutriAsia noong Lunes sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay Barry Gutierrez, tagapagsalita ng bise presidente, dapat ay mapanagot sa batas ang mga responsable sa marahas na pangyayaring ito.

Iginiit ni Gutierrez na walang palusot na maaaring igiit ang mga awtoridad sa marahas na dispersal laban sa mga nagprotestang manggagawa.

Anya, ang pinaka-trabaho ng pulisya ay ang masiguro ang kapayapaan anuman ang sinasabing ‘provocation’ ng mga ralyista.

“Regardless of any alleged ‘provocation,’ it remains the principal duty of our police officers to maintain order, and not to allow an admittedly tense situation to explode into open violence,” ani Gutierrez.

Iprinotesta ng mga manggagawa noong Lunes ang labor-only contracting ng kumpanya, mababang sahod at poor working conditions na nauwi sa marahas na dispersal ng security personnel ng kumpanya at ng pulisya.

Kabilang sa mga nasaktan ay isang matandang babae na lubhang duguan ang mukha kung saan nagviral ang kanyang larawan sa social media.

Read more...