Tinalo ng University of Perpetual Help System Dalta ang San Seabstian University sa kanilang naging tapatan kagabi para sa Premier Volleyball League Collegiate Conference na ginanap sa Filoil Flying V Centre.
Natapos ang laro sa iskor na 25-15, 19-25, 27-25, at 26-24 pabor sa Lady Altas.
Dahil dito ay nananatiling zero-win pa rin ang Lady Stags, habang 1-2 naman ang win-loss record ng Perpetual.
Ayon sa head coach ng koponan na si Macky Cariño, pinayuhan niya ang kanyang mga manlalaro na one game at a time lamang dapat ang focus ng mga ito.
Si Maria Tripoli ng Lady Altas ang nakapagtala ng game-high score na 22 points.
Samantala, para naman sa Lady Stags, 16 na puntos ang ibinigay ni Shannai Requirme.
MOST READ
LATEST STORIES