Museum para sa mga na-trap na miyembro ng soccer team itatayo sa Thailand

AP

Sinimulan nang itayo ang isang museum para sa commemotation ng makasaysayang pag-rescue sa mga na-trap na miyambro ng isang soccer team sa Chiang Rai, Thailand.

Si Chalermchai Kositpipat na isang Thai artist at residente sa lugar ang nagpondo para sa naturang museum na matatapos sa loob ng limang buwan.

Aniya, magsisilbing paalala ng multinational cooperation ang museum.

Isa rin aniya itong paraan upang kilalanin ang buhay ng Navy SEAL na nasawi dahil sa naturang rescue operation.

Magtatayo ng isang estatwa para sa naturang diver na ilalagay sa harapan ng museum.

Plano namang ilagay sa loob ng museum ang 13 metrong haba ng painting na magpapakita ng mga ginawang kabayanihan ng mga rescuers.

Read more...