Kaso ng mga pulis na inaabandona ang pamilya, nadagdagan

 

Mula sa google

Tumataas ang bilang ng mga kaso ng mga pulis na iniiwan o inaabandona ang kanilang asawa at pamilya.

Ito ay batay sa mga reklamong tinanggap ng PNP Legal Affairs Divison.

Ayon kay Shella Ujano, acting legal affairs division chief, ng Internal Affairs Division, nasa 30 porsiyento ng mga kasong kanilang tinatanggap ay may kinalaman sa paglabag ng mga pulis sa Republic Act 9262 o Act Defining Violence Against Women and Children.

Sa ilalim ng batas, itinuturing na ‘economic abuse’ ang hindi pagbibigay ng suporta sa isang asawa o mga anak.

Sa ilalim naman ng regulasyon ng Internal Affairs Service, maituturing na grave misconduct sa panig ng isang pulis ang masampahan ng reklamong paglabag sa RA 9262 na posibleng makaapekto sa kanyang service record.

Sakaling mapatunayang ‘guilty’ sa pag-abondona sa kanyang pamilya, maaring maalis sa serbisyo ang isang alagad ng batas.

Upang maisaayos at mabawasna ng mga ganitong insidente at mga reklamo laban sa mga pulis, nagsasagawa ng iba’t-ibang programa ang PNP na sumesentro sa pagpapalakas ng integridad at spiritual development sa mga pulis at pamilya nito.

Read more...