Nagretiro na sa boxing si Argentine WBA Welterweight Champion Lucas Matthysse.
Ito ay matapos ang kaniyang huling laban kung saan tinalo siya ni People’s Champ Manny Pacquiao sa Malaysia noong July 15.
Sa kaniyang Instagram Account inanunsyo ni Matthysse na epektibo August 1, 2018 ang kaniyang pagreretiro.
Pinasalamatan nito ang boxing na aniya ay bumago sa kaniyang buhay.
Pinasalamatan din ng boksingero ang kaniyang pamilya na walang sawang sumuporta sa kaniyang career.
Ani Matthysse nagpasya siyang bitawan na ang kaniyang boxing gloves at kakaharapin ang panibagong yugto ng kaniyang buhay,
Ang 35 anyos na si Matthysse ay mayroong rekord na 39 wins, 35 dito ay knockout, at 5 talo.
MOST READ
LATEST STORIES