Dalawang 2nd-hand na Porsche na ipinuslit papasok sa bansa nasabat ng BOC

Inquirer Photo | Grig Montegrande

Nasabat mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang dalawang Porsche na 2nd-hand at itinangkang ipuslit papasok ng bansa.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, tinatayang nagkakahalaga ng P28 million ang mga sasakyan.

Kinabibilangan ito ng Porsche Boxster at Porsche Panamera 4s.

Ayon sa BOC, ang importasyon ng nasabing mga sasakyan ay ipinagbabawal sa ilalim ng EO 156 na inamyendahan sa ilalim ng EO 877-A.

Read more...