Rigodon sa mga opisyal ng kamara tuluy-tuloy

Nagpapatuloy pa rin ang reorganisasyon sa chairmanship ng ilang komite ng kamara kasunod ng pagpapalit ng speaker noong nakaraang linggo.

Inihalal si Cong. Vicente Veloso bilang chairman ng house committee on constitutional amendments kapalit ni Rep. Roger Mercado.

Habang chairman naman ng house committee on natural resources si Cong. Rodrigo Abellanosa kapalit ni LPGMA Rep. Arnel Ty.

Sina Mercado at Ty ay kapwa sumama sa grupo nina dating Speaker Pantaleon Alvarez at dating House Majority Leader Rodoldo Fariñas.

Hhindi pa rin naman naresolba ang isyu sa agawan sa minorya sa kamara.

Ayon kay Majority Leader Rolando Andaya, sa Lunes na nila itutuloy ang debate ukol dito.

Samantala, simula sa Lunes ay alas 3:00 na ng hapon mag-uumpisa ang sesyon ng kamara, isang oras na mas maaga ito kumpara sa nakagawiang sesyon na nag uumpisa ng alas 4:00 ng hapon.

Ito ay matalos magmosyon si Andaya para agahan ang sesyon na inaprubahan naman ng plenaryo.

Read more...