Matapos makarating sa DOTr ang insidente agad ipinag-utos ang inspeksyon sa lahat ng road drains sa terminal para matiyak ang normal na daloy ng tubig sa drainage system.
Ayon sa DOTr, dahil sa matinding pag-ulan na naranasan noong Martes binaha ang bahagi ng departure area at natukoy nila na ito ay bunsod ng baradong drainage.
Agad aniyang nagsagawa ng maintenance works sa lugar na pinangunahan ng mga tauhan ng GMR Megawide.
Bilang long term solution, pinag-aaralan ng DOTr ang paglalagay ng exterior blinds sa link-bridge upang maiwasan na pumasok ang tubig ulan sa bahagi ng terminal.