Heightened alert itinaas sa Metro Manila matapos ang Basilan blast

Inquirer file photo

Kasunod ng pagsabog na naganap sa Lamitan City sa Basilan noong Martes isinailalim na sa heightened alert status ang buong Metro Manila.

Kasabay nito ay hinikayat ni NCRPO Dir. Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang publiko na maging mapagmatyag at agad isumbong sa mga otoridad ang makikitang kahina-hinalang kilos o bagay.

Ang pagtataas aniya ng status ay upang mas maging handa ang pwersa ng mga pulis sa Metro Manila at upang matiyak na hindi magkakaroon ng spill over NCR ang nangyari sa Basilan.

Nilinaw naman ni Eleazar na wala silang namomonitor na anumang banta ng terorismo sa Metro Manila.

Inatasan ni Eleazar ang lahat ng district directors na mas mapaigtingin pa ang mga checkpoints at pagsasagawa ng crime prevention operations.

Read more...