Sa 4am weather advisory ng weather bureau, sinabi nito na bagaman posibleng maging bagong bagyo ang sama ng panahon ay hindi na ito papasok pa ng bansa.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nakakaapekto ang Habagat sa western sections ng bansa.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan, buong Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan maliban na lamang sa mga pag-ulan sa hapon o gabi.
Maaaga namang nakaranas ng malakas na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila na inaasahang tatagal ng dalawang oras.
Mararanasan din ito sa Zambales, Rizal, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at Bataan na maaaring tumagal ng tatlong oras.