France at US kinondena ang pagsabog sa Basilan

CREDIT: Basilan LGU

Kinondena ng Estados Unidos at France ang terror attack sa Basilan noong Lunes.

Sa isang pahayag, sinabi ng French Embassy sa Maynila na nakikiramay at nakikisimpatya ito sa mga pamilya at biktima ng terror attack.

Tiniyak din ng French government na kasangga ito ng mga Filipino sa laban kontra terorismo.

Sa isa namang tweet ay kinondena ni US Ambassador Sung Kim ang terror attack at sinabing nakikiisa ito sa gobyerno ng Pilipinas.

Iginiit ni Kim na nananatili ang ‘commitment’ ng US sa pakikipagtulungan sa Pilipinas sa pagtamo ng kapayapaan at kaunlaran.

Read more...