Sumuko sa militar ang 11 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Talipao, Sulu.
Ayon sa Western Mindanao Command, sumuko ang mga ASG members sa 2nd Special Forces Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Jessie Montoya.
Ang sumukong mga miyembro ng naturang local terrorist group ay ang sumusunod:
Rodzhaimer Asiri Bagade
Aldimar Amih Alih
Abraham Bantolan
Alben Samsorane Hajan
Michael Using Amil
Winison Ayhal Saldi
Muhaimen Tikusan Mahadulla
Madjiri Ibnil Bagade
Kinni Salih Adjal
Me Abdulmasa Hajiri
Radz Abdulmasa Hajiri
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas kabilang ang isang US M16 rifle, anim na US M1 Garand rifles, isang M79 GL, isang UZI at dalawang .45 caliber pistols.
Sinabi ni Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo na dinala ang 11 sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa physical at medical examinations.
Ayon sa militar, nasa kabuuang 164 Abu Sayyaf members ang sumuko na at nagbalik ng kanilang mga armas ngayong taon.
Ang 76 sa mga ito ay mula sa Sulu, 63 mula sa Basilan, 5 mula sa Tawi Tawi at 2 mula sa Zamboanga.