Mga militanteng mambabatas pumalag sa pagsibak kay Carandang

Hinimok ng Makabayan bloc sa Kamara na huwag sundin ni Ombudsman Samuel Martires ang dismissal order ng MalacaƱang kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, walang basehan ang dismissal order laban kay Carandang.

Paliwanag nito, taong 2014 nagpasya na ang Korte Suprema na unconstitutional ang Section 8 ng RA 6770 na nagbigay ng administrative power sa Office of the President upang sibakin ang deputy ombudsman.

Iginiit nito na walang dapat magdisiplina kay Carandang kundi ang mismong Ombudsman.

Sinabi naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, malinaw na ang dismissal kay Carandang ay ganti lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ihayag na iniimbestigahan ng Ombudsman ang mga sinasabing tagong bank deposit ng pangulo.

Read more...