DOTr: Pagtatayo ng subway system sisimulan na sa Disyembre

Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na mauumpisahan na bago sumapit ang buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan ang ground breaking at konstruksyon sa 25.3 kilometers subway na magsisimula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa Food Terminal Incorporated (FTI) sa Taguig City at Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Sinabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade na napabilis ang proseso sa konstruksyon ng subway dahil umayon ang lahat ng mga partido na simulan na kaagad ang proyekto.

Gayunman, aminado si Tugade na wala pang terms of reference sa subway project.

Tinatayang aabot sa P51 Billion ang inutang ng Pilipinas sa Japan para sa first tranch subway project.

Kasama na rin aniya sa uumpisahan ng konstruksyon ang pagpapatayo ng railway institute at depot sa Valenzuela City.

Inaasahang malaking tulong ang subway para maibsan ang problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Read more...