Sa pagdinig ng komite para sa paglikha ng DDR, inaprubahan nito ang paggamit ng pondo ng mga ahensya na mapapasailalim sa bagong kagawaran.
Sa ilalim ng bubuuing DDR, magkakaroon ito ng P20.2B interim funds sa 2019 at P6.5B quick response fund na napagkasunduang ilagay dito.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, mangangailangan ang DDR ng P1.4B na operational fund kapag nalikha na ito at kukuha ng 1000 personel.
Kapag nabuo na ang DDR, sasailalim na rito ang Bureau of Fire Protection, Health Emergency Management ng DOH, Disater Response Management Bureau ng DSWD, Pagasa at Philvolcs.
Ang kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council at Climate Change Commission naman ay magiging advisory council ng DDR.
Ang DDR ang tatayong ahensya na pangunahing responsable sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.