Isinampa na ng Public Attorney’s Office sa Department of Justice ang ika-12 kasong kriminal laban sa mga akusado sa Dengvaxia mess.
Ang kaso ay isinampa ng PAO laban sa 30 dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health pati na rin sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Patungkol ang kaso sa pagkamatay ng 11 taong gulang na si John Paul Rafael ng Bagac, Bataan noong Abril 11, 2016.
Sa salaysay ni Christina Ramirez, tiyahin ng john paul, nilalagnat ang kanyang pamangkin bago turukan ng Dengvaxia at pinainom lamang ng paraceramol.
Namatay ang kanyang pamangkin makaraan ang 11 araw.
Ayon sa PAO, umaabot na sa 73 bata na binakunahan ng Dengvaxia ang namatay na.
MOST READ
LATEST STORIES