Gagawa ng “In my feelings challenge” sa lansangan, mahaharap sa maraming paglabag – DOTr

DOTr Photo

Maaring maharap sa iba’t ibang traffic violations ang mga mahuhuling gagawa ng patok na “In my feelings challenge” sa mga lansangan.

Babala ng Department of Transportation (DOTr) ang sinumang sumubok na gawin ang nasabing challenge sa mga kalsada ay maaring makasuhan ng reckless driving, mabawian ng lisensya at maaring maharap sa paglabag sa Anti-Distracted Driving Act na may karampatang multa na P5,000 hanggang P15,000.

Kaya paalala ng DOTr, ipakita na lang ang feelings sa tamang paraan at huwag sa daan.

Ayon sa DOTr, bagaman hindi naman mapipigilan ng mga otoridad ang mga nais magpakita ng damdamin, dapat tandaan na ito ay bawal gawin sa mga kalsada, lalung-lalo na kung umaandar ang sasakyan at ikaw ang nagmamaneho.

Sa huli sinabi ng DOTr na dapat tiyakin ng publiko na ang pakikiuso ay hindi dapat magdudulot ng sakuna o perwisyo sa kalsada.

Read more...