Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukala na nagbabawal sa pagsasapribado ng mga ospital ng gobyerno.
Sa botong 218 na YES, zero na NO at 0 abstention ng mga kongresista pinagtibay ng mga ito ang House Bill 7437 na isinulong ng Bayan Muna Partylist.
Kapag naging batas, ipagbabawal na gawing pribadong ospital ang mga nasa pangangasiwa ng pamahalaan tulad ng Philippine Orthopedic Hospital, Fabella Hospital at Mental Hospital.
Bukod sa mga ospital, ipagbabawal din ang pagsasapribado ng iba pang public health facilities at health services.
Ayon sa pangunahing may akda ng panukala na si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, layon nito na garantiyahan ang karapatan ng mga mahihirap na mabigyan ng medical services ng pamahalaan.
Giit ni Zarate, dapat manatiling accesible, abot kaya at angkop sa mga pangangailangan ng sambayanan ang health care ng bansa.
Kaugnay nito, nanawagan naman si zarate sa senado na ipasa ang kaparehong punakala para ito ay kaagad maisabatas.