Bilang ng new minority sa kamara dumami pa

Nadagdagan pa ng miyembro ng nagpapakilalang new minority sa kamara na pinamumunuan ni Marikina Rep. Miro Quimbo.

Ayon kina Dinagat Island Rep. Arlene Kaka Bag-ao at Quezon City Rep. Kit Belmonte sumapi sa kanilang grupo sina Capiz Rep. Emmanuel Billones at Quezon Rep. Vicente Alcala.

Sinabi ng mga ito na nagpasa ng aplikasyon sa kanilang grupo ang dalawang mambabatas na tinanggap naman nila.

Dahil dito, umakyat na sa 24 ang bilang ng mga miyembro ng new house minority.

Ang pagdami ng nilang bilang ayon kina Bag-ao at Belmonte ay patunay lamang na lehitimo ang kanilang grupo bilang minorya sa kamara.

Naniniwala rin ang mga ito na madaragdagan pa ang kanilang bilang sa mga susunod na araw.

Read more...