Mas malaking bilang ng biktima ang orihinal na target ng pagsabog sa Basilan – Prof. Banlaoi

Mas malaking bilang ng mga biktima ang orihinal na tinarget sa naganap na pagsabog sa Basilan kung saan 10 ang nasawi kabilang ang hinihinalang bomber.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni International Security Expert, Prof. Rommel Banlaoi, batay sa impormasyong kanilang nakalap, mga batang dumadalo sa feeding program at nagce-celebrate ng Nutrition Month ang target ng pag-atake.

Pero dahil sa nakakasang mahigpit na seguridad sa lugar, sa checkpoint pa lamang ay naharang na ang sasakyan at napigilan ang posibleng mas marami sanang biktima ng suicide bombing. (PAUSE FOR SOV)

“Ang target talaga nila, ang original target kaya pina-igiting ang checkpoint diyan ay ang feeding program, kasi nutrition month, ang target talaga ay magkaroon ng mass casualty attack during nutrition month at ang target talaga ay may mga batang maapektuhan. Kaya napakagaling ng ginawa ng ng ating law enforcers at pinaigting nila ang kanilang preparation at nahinto nila doon sa checkpoint ang masamang hangarin ng grupo na ito. Nagpapasalamat tayo sa kanilang preparation, nagkaroon ng 10 casualties including the bomber pero na-savae ang karamihan na pwedeng masaktan sa original na plano ng grupong ito,” ani Banlaoi.

Kasabay nito sinabi ni Banlaoi na hindi malayong ISIS nga ang nasa likod na pag-atake sa Lamitan City.

Paliwanag ni Banlaoi, hindi basta-basta umaako ang ISIS ng pag-atakeng hindi nila suportado o hindi sila talaga ang may gawa.

“Sa pag-aaral po sa ginagawa ng ISIS sa mga pag-claim nila, hindi nagki-claim ang ISIS ng mga insidente na wala silang sanction o hindi nila pinapahintulutan o hindi nila sinusuportahan. Maaring mag-exaggerate sila sa mga detalye, i-overflow nila ang mga insidente, pero hindi sila magki-claim ng something na hindi kanila. Kaya ako sa aking pag-aaral ng mga previous attacks nila malakas ang aking paniniwala na may kaugnayan sila, hindi lamang dahil kini-claim nila ang pag-atake sa Lamitan kundi may mga prior information akong nakuha na meron talagang plano na magsagawa ng ganiyan klaseng insidente sa area na iyan with assistance of foreign terrorist personality,” dagdag pa ni Banlaoi.

Read more...