Dumagsa sa punong tanggapan ng Department of Labor and Employement o DOLE sa Intramuros Maynila ang ibat-ibang grupo ng mga overseas filipino workers at mga recruitment agencies.
Dala ang kanilang mga banner at tarpaulin, pumuwesto ang mga ito sa harap ng gusali ng DOLE hanggang sa mismong entrada ng Labor Department.
Isinabay ng mga ito ang pagtungo sa DOLE para magpakita ng suporta kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa huling araw ng pagkakampo ng grupo ng mga manggagawang na natanggal sa trabaho sa PLDT.
Ang ilan sa mga supporters ni Bello ay galing pa sa mga probinsya gaya ng Nueva Vizcaya.
Nauna nang naglabas ng manipesto ng pagsuporta kay Bello ang ilang mga samahan ng lisensyadong recruitment at manpower agencies sa bansa.
Nauna nang nalagay sa kontrobersiya si Bello kasunod ng paghahain ng reklamo ng isang Amanda Lalic-Araneta sa Presidential Anti-Corruption Commission dahil sa umanoy pagtanggap ng kalihim ng P100,000 at mamahaling cellphon noong Pasko ng 2016 na mariin namang itinanggi ng kalihim.