Lindol naitala sa Occidental Mindoro

(UPDATED AS OF 2:12AM) Naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Occidental Mindoro alas-12:44 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 16 kilometro Kanluran ng bayan ng Rizal.

May lalim itong 10 na kilometro at tectonic ang dahilan.

Una nang iniulat na may lakas lamang itong magnitude 3.1 ngunit itinaas ng Phivolcs sa magnitude 3.4 sa kanilang ikalawang advisory.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa San Jose, Occidental Mindoro.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa ari-arian at mga aftershocks.

Read more...