Japan, luluwagan ang visa requirements sa mga Pilipinong may business transaction

Google map

Luluwagan ng Japan ang visa requirements para sa mga Pilipinong mayroong inaasikasong negosyo.

Mula sa kasalukuyang limang taon, sinabi ng Foreign Ministry na palalawigin ang multi-entry visa ng mga Pilipino sa 10 taon.

Maliban dito, palalawakin rin ang sakop ng mga aplikanteng maaaring makakuha ng visa.

Layon nito na mapagtibay ang pagtutulungan ng mga residente ng dalawang bansa.

Kabilang din dito ang mga medical doctor at certified public accountant.

Read more...