Paglago ng ekonomiya ng bansa hanggang matapos ang termino ni Duterte, ibinida sa Kamara

Photo courtesy JILSON SECKLER TIU via INQUIRER.net

Tiwala si Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia na mas tatatag pa ang ekonomiya ng bansa hanggang sa makababa ng puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Pernia na target ng pamahalaan ang pagtaas ng ekonomiya na pito hanggang walong porsyento.

Dahil dito, lalago pa aniya ang ekonomiya ng bansa ng 50 porsyento sa 2022 kumpara noong naupo ang pangulo ng taong 2016.

Pagmamalaki pa nito, maging ang international monetary board ay nagsabi na mananatili ang Pilipinas sa best performing economy kasunod ng India.

Hindi naman inaalis ni Pernia ang mga maaring sagabal aa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa kabilang na ang monetary policy ng US at EU, galaw ng global financial market, political tension sa pagitan ng ibang mga bansa.

Kasama rin aniya rito ang inaasahang El Niño, security issues at pagka-antala ng mga pagawaing bayan.

Read more...