Kinumpirma ni Police Supt. Villaflor Banawagan, chief of police ng Antipolo City, hindi naman malubha ang tinamong sugat ng dalawang biktima na hindi pa kinikilalang biktima.
Base sa inisyal na impormasyon, sakay ng isang kotse ang naghagis ng pampasabog na tumama sa isang tricycle kung nasaan naroon ang dalawang biktima.
Hinala naman ng PNP, New People’s Army (NPA) ang nagpasabog ng improvised explosive device (IED).
Ayon kay Region 4A o Calabarzon director Chief Supt. Edward Carranza, ito ang lumabas sa isinagawa nilang imbestigasyon sa umano’y road side bombing o ambush.
Posibleng target ng IED ay ang dadaang mga sasakyan ng 80th Infantry Battalion ng Philippine Army sa naturang lugar.
Gayunman, in-overtake ng sasakyan ng militar ang isang tricycle na siyang tinamaan ng pagsabog.