Bersamin, nanguna sa botohan para sa susunod na SC chief justice

Si Associate Justice Lucas Bersamin ang nanguna sa botohan ng Supreme Court en banc para sa bakanteng posisyon ng chief justice.

Nakakuha si Bersamin ng 10 boto, pangalawa sina Associate Justices Teresita De Castro at Diosdado Peralta na kapwa may tig-siyam na boto at dalawang boto naman para kay Associate Justice Andres Reyes.

Nakatakdang ipadala ang boto ng Supreme Court en banc sa Judicial and Bar Council (JBC).

Sa darating na Biyernes, itinakda ng JBC ang kanilang deliberasyon sa mga aplikante sa pagka-punong mahistrado.

Read more...