11 patay, 31 sugatan sa pagsabog sa Afghanistan

Google map

Hindi bababa sa 11 katao ang patay habang 31 ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang kalsada western Farah, Afghanistan.

Ayon kay Abdul Jabar Shahiq, hepe ng health department ng probinsya, naganap ang pagsabog sa Bala Buluk district, Martes ng umaga.

Sakay ang mga biktima ng bus na nagmula sa Herat province at patungo sanang Kabul.

Sa ngayon, wala pang umaako ng responsibilidad sa naturang pagsabog.

Matatandaang matindi ang presensya ng Taliban sa naturang probinsya dahil sa mga target na mga opisyal ng gobyerno sa lugar.

Read more...